Gaano kadalas ang minsan?
Minsan sa aking pag-iisa, naitanong ko sa aking sarili, "may oras ka pa ba para sa akin"? Siguro nga maraming nagbago, at marami ang maari pang magbago. Sa pagdating ng mga panahon, lumiliit ang ating mundo, upang mabigyan ng kaunting oras ang isang katulad ko. Siguro nga marami kang ginagawa, siguro nga kulang pa ang oras mo upang mabigyan mo ako ng kahit saglit. Sa pagsikat ng araw, hindi ko masabi kung isa ako sa mga naiisip mo. Minsan sa aking pag-iisa, walang ibang laman ng aking isipan kung hindi sana’y makasama ka. Siguro nga kahit na ipadama ko sa iyo na nalulungkot ako. Hindi ko masabi kung ito’y iyong nararamdaman rin o sadyang ganun na lang talaga. Siguro nga minsan nararamadan ko na nag-iisa nga talaga ako. Maari naman tayong magkasama nguni’t sadyang ganito talaga at kilangan kong lumayo. Minsan sa aking pag-iisa, nararamdaman ko na ako ay tunay na nag-iisa. Siguro nga, handa ko na lamang tiisin ang mga oras na magkalayo tayo. N...